Wednesday, December 13, 2006



Pagsilay ng umaga sa buhay ko

Nakatuon ang baling sa katotohanan ng mundo

Pilit hinanap ang katuturan ko

'Di inakalang mapadpad sa piling Mo.

Binaktas man ang daan, unos o bagyo

Diliryong nakakasilaw ng mundo

At ang sarili'y natagpuan

Inaakay dinadala ng 'Yong pagpapala.

Buong-buo ang kaloobang tatalima sa'Yo

Sa bawat pagtahak sa buhay na ito

Sa mga yapak Mo ay susunod ako

Patungo sa landas ng Pag-ibig Mo